https://pin.it/1VDLed4ep
Ang pahayag na ito ay patungkol sa paggawa ng nararapat na aksyon upang mangyari o makamit mo ang iyong hinahangad. Katulad sa kasabihang "Kung anong tinanim, siyang aanihin". Dahil ang isang bagay ay makakamit lamang kung pinagtuunan mo ito pansin at binigyan ng halaga.
Magbibigay ito ng gabay sa ating lahat, dahil ang bawa't isa sa atin ay may kanya-kanyang potensiyal at hangarin. Gamit ang pahayag na ito, magbubukas ang loob natin sa pagbabago na tutulong sa paglago ng ating sarili. Samakatuwid, sa bawat proseso ng pagbabago, nagkakaroon tayo ng lakas ng loob na ituloy ang pagkamit natin saa ting hinahangad na landas. Itatak sa'ting kaisipan na ang pag pansin at pagbigay aksyon sa adhikain ay magdudulot ng abot langit na ngiti sa ating mukha. Gayunpaman, hindi ito magiging madali, kailangan maging "consistent" at huwag magalinlangang sumugal. Dahil mas mabuting matuto kaysa manatiling "stagnant" ang buhay mo.
Sa konklusyon, palawakin natin ang kahulugan ng ating buhay. Matuto tayong unalis sa tinatawag nating "safe zone" upang malibot ang samu't saring kaalaman at karanasang na nakapalibot sa atin. Hindi man ito magiging pabor sa iyo, ngunit may natutunan ka namang aral na magagamit mo sa mga susunod.
No comments:
Post a Comment