PANIMULA
A. Pamagat
Ang pamagat ng aklat ay Desaparesidos, sumisimbolo ito sa nawawalang anak at mga taong nawala noong panahon ng Martial Law. Naging baluktot ang buhay ng bawat isa, sa kadahilanang kaya sila mapatahimik ng kamay na bakal kailan man. Tumutukoy din ito sa pangyayari noon sa Pilipinas kung saan may mga nawawalang babae at nahihirapang mamuhay ang ibang pamilya sa gitna ng krisis.
B. Uri ng Panitikan at Genre
Ito ay bahagi ng kontemporaryong panitikan, na gumagamit ng modernong istilo ng pagsulat at bigyan kulay ang kanyang gawa upang mailabas ang sikolohikal epekto ng Batas Militar sa mga karakter. Ito ay may genre na realistikong panlipunan, at gumamit siya ng masusing deskripsiyon kasabay ng piksyong historical. Upang mailathala ang mga pangyayari naganap noon ng diretso at matulis na pamamamaraang kayang punan sugat ng mambabasa.
C. Pagkilala sa May-Akda
Ang "Desaparesidos" ay isinulat lamang ni Lualhati Bautista. Isa siyang Filipinang manunulat, aktibistang liberal, kritiko ng politika, at nobelista. Isa sa mga nagpausbong ng makabagong panitikan gamit ang kanyang matutulis sa paggamit ng salita na pumupuna sa kanser ng lipunan. Bukod sa Desaparesidos, kilala rin ang kanyang mga nobela na Dekada 70, Bata, Bata, Pa'no Ka Ginawa?, at GAPÔ.
PAGSUSURING PANGNILALAMAN
Tema/Paksa
Ang pangunahing tema ng aklat ay ipakita ang mga kabuktutang ginawa ng mga sundalo o politika noong panahon ng martial law. Dahil dito, marami ang nasawi at nagkaroon ng paligoy-ligoy na tadhana ang mga karakter. Pinakita ang paghihirap na dinaranas ng mga aktibista o ibang tao noon. Tinorture, rape, pinatay ng walang kalaban laban dahil sa “absolute authority” noong panahong iyon.
B. Mga Tauhan, Tagpuan at Panahon
Mga Tauhan
Ka Leila - Isa sa mga aktibista nahandang ilaan ang buhay at anak para sa inang bayan o makamit ang hustisya.
Roy - Mapanuring lalaki na kayang gumawa ng magandang desisyon kahit sa oras ng pagsubok.
Mang Manuel – Mabuting matanda na tumulong sa pagtakas ni Malaya at Karla sa kamay ng mga Militar.
Mga Tagpuan
Plasa
Sa plasa madalas makikita ang mga taong pinatay ng mga militar. Sinasadya nila ito upang magbigay takot sa mga kaalyansa ng iba pang aktibista.
Kulungan
Gayunpaman, pinakita rin kung ano ang mga kaganapan sa selda at mas tatangkain mo pa itong tawaging kulungan ng baboy. Sapagkat, hindi nila nirerespeto ang pagkatao mo at ginagawa ang mga masasamang bagay na sa isip lamang natin nananatili.
Kapulungan
Panghuli, ay ang “conference” ginanap ito sa kasalukuyang panahon at kumatawan bilang “justification area” upang ipaglaban ang kaso ng mga taong nabiktima.
Panahon
Sa panahon ng Martial Law, noong hawak ni pangulong Ferdinand Marcos naganap ang kuwentong "Desaparesidos". Sa panahon na ito nagkaroon ng posas ang karapatan ng mga Pilipino. Kinilala rin bilang magulo at mapaniil na panahon sa kasaysayan ng bansang Pilipinas.
Estilo ng Pagkakasulat ng May-akda
Ang estilo ng manunulat ay realismo, direkta, diyalogo, paggamit ng simple at malalim na wika. Ginawa niya ito upang mas maramdaman natin ang emosyon ng mga karakter sa loob ng nobela. Tila ba nagpakita siya ng mabagsik na prosang humihiwa sa gunita ng mambabasa at iniwang nakabuklat ang pandama.
PAGSUSURING PANGKAISIPAN
Kakintalan/Kaisipan
Ang "Desaparesidos” ay sumasalamin sa mga kaisipan tulad ng madilim na sistema ng ating lipunan o kanser ng lipunan. Pinapakita sa atin kung gaano kalaki ang epekto ng diktadurya sa ating pamumuhay. Gayunpaman, huwag tayong sumuko na ipaglaban ang ating karapatan tulad sa nobela. Hindi man tayo ang magiging main karakter, pero ang ating ambag sa lipunan ay kontribusyon sa kapayapaan ng ating inang bayan. Saka pinadama rin sa atin ang pagmamahal sa pamilya, gaano man kalayo ang ating pagitan iisa parin ang hinahanap hanap nating pagmamahal.
Kulturang Masasalamin
Nasalamin sa nobelang ito ang ating pagmamahal sa pamilya, bayanihan, at paghangad sa katarungan. Kahit na imposibleng makuha ang mga bangkay ng mga aktibista, gumagawa pa rin sila ng paraan na makita ito at maramdaman ang hinanakit sa sinapit. Pati na rin ang paghahanap nila sa mga nawawalang pamilya. Gayundin ang pinakita nilang bayanihan upang maasam ang tama ang patalsikin ang palamara. Upang gamutin ang mahapding rabaw na iniwan ng mga Militar sa pisikal at emosyonal na kalagayan ng mga Pilipino.
LAGOM
Patungkol ito sa naging paglalakbay ni Anna o Ka Leila. Maagang namatay ang asawa niyang si Nonong sa kuwento at kalauna’y ibinigay kay Karla ang kanyang anak na si Malaya. Ginawa niya ito upang pokusan ang pag aalsa at ipaghiganti ang kaniyang asawa. Ngunit, nagkaroon ng aksyon ang mga sundalo. Nanggagambala sila bawat baryo kahit na walang kasiguraduhan at gumagamit ng karahasan. Dumating ito sa baryo nila Karla, bago dumating ang mga sundalo nakatas siya kasama si malaya. Pero namatay ang buong pamilya ni Roy.
Hindi mapigilan ni Jinky at Anna mag alala sa kanilang pamilya. Bumaba at temporaryong umalis sa kilusan, pagkaraa'y napansin nila na na-raid ang pagkikitaang bahay. Tumakbo sila ngunit nahuli parin sa kamay na bakal. Torture ang inabot ni Jinky at rape kay Anna. Ginawang baboy ang dalawa, katagala'y hindi kinaya ni Jinky ang pangyayari at sinumbong ang mga kasama sa aktibismo, nahuli ang lahat at nakulong. Ganun din ang sinapit ni Roy at iba pang kasama, walang sawang torture o pambubugbog. Sa kulungan ay may mabait sa Srgt., naging malapit sila ni Roy. Kalauna'y pinayagan ni Srgt. Reyes si Roy lumabas para utusan, pero ginamit niya ito upang tumakas. Pagkaraan ng panahon sumunod ng nakalaya si Anna. Hinanap ni Roy at Anna si Malaya, at dito nabuo ang kanilang relasyon. Nagkaanak at pinangalanang Lorena, pero ang selos ng bata ay namumuo habang hinahanap pa rin ng mag asawa si Malaya.
Di nagtagal ng nakita na rin ni Anna si Malaya, pero hindi niya alam na anak niya ito. Sinabi ni Karla na anak niya ito at ikakasal na. Pero, nakonsensiya siya at ipinaliwanag ang lahat. Nagkasundo nama ang dalawa at sa dulo nakita na ni Anna at Roy ang kanilang hinahangad makasama.
MGA REAKSYON AT MUNGKAHI
Para sa akin maganda ang kuwento na ito, nakakaintriga bawat pagbasa mo sa kada pahina. Sapagkat, natatanggal ang antok ko sa mga malalalim at matatalas na salitang binibitaw ni Lualhati Bautista. Lubos kong nagustuhan ang ganiton estilo, dahil may natututuhan ako na pwedeng i-apply sa iba pang gawain. Sa daloy naman ng kuwento, gusto ko ang present to past transition ng nobela. Kumbaga matindi at iba ang kaba ng dalawang panahon. Sapagkat, yung isa ay nilalabanan ang kaba upang makapaglathala ng pahayag patungkol sa Martial Law. Sa kabilang dako, pinapakita naman ang pasakit na dala-dala nila habang nag iisip. Lubos na lubos kong nagustuhan ito at mairerekomenda ko ito sa mga taong gusto mapuna ang kanilang kuryosidad sa mga nakaraang pangyayari sa ating bansa.
No comments:
Post a Comment