Ito ay isang kwento ng isang bata na nangangarap na umalis sa buhay niyang punong-puno ng pangungutya. Lumaking sakitin at payat ang taong si Iane, masayahin ngunit tila ba lapitin siya ng mga masasakit na salita. "Payatot at laki mata" ang laging tawag sa kaniya, ngunit hinaharap niya ito ng may masayang muka dahil alam niyang wala siyjing magagawa.
Pagkaraan ng taong may quarantine, naisipan niyang may bago. Dahil sa paulit-ulit niyang pagkain at pagtulog ng panahong iyon, nadagdagan ang kaniyang timbang. Sabay pa rito ang motibasyon na nagtutulak sa kaniya, nagsimulang mag-ehersiyo at kalauna'y nagkaroon ng kagustuhan sa boxing. Epekto ito ng anime na "Hajime no Ippo", kilalang combat anime sa japan. Naisipan niya na matuto nito para sa proteksiyon sa sarili, gawa ng toksik na komunidad sa kanilang lugar. Hindi ito masasagot ng masinsinang komunikasiyon at laging nauuwi sa sakitan. Ito ang susi na matagal niya ng inaasam; pinanatili at binigyan aksyon ang oportunidad na nasa harap niya.
Samakatuwid, ang bawa't tao ay may kaniya- kaniyang istorya. Marahil maaari itong humantong sa karahasan, ngunit isipin muna natin ang nasa kalagayan. Hindi lamang pagiging matapang ang natukoy dito, kasama na rin ang lakas ng loob na harapin ang problema at magbago.
No comments:
Post a Comment