Thursday, 30 January 2025

Bagyong Kristine


 








    



         Kilala bilang "Tropical Storm Trami" ang bagyong ito, na nagtala ng kasawian at sugatan noong oras na humagupit ang kalakasan nito. Nagtagal ng anim na araw, ngunit naging malaki na rin nag epekto sa ating kabuhayan. May nasirang negosyo, palayan, bahay at iba pa.

      Sa pagpasok ng bagyong ito sa ating bansa marami ang naapektuhan. Maaari rin nating ihalintulad ito sa bagyong Yolanda. Gayunpaman, hindi masyado naapektuhan ang aming lugar at nagkaroon lamang ng konting problema. Sa aking paguwi galing trabaho, natulala ako sa aking nakita. Ang mga bata sa amin ay ginawang swimming pool ang baha na umabot hanggang bewang. Naglalaro at nagpapasahan ng bola habang nakalusong sa baha at sa mabuting palad walang nasaktan. Naging malakas ang hagupit ng  hangin sa amin, nasira nito ang poste ng kuryente na nag sanhi ng "brown out". Nagtagal ito ng dalawang araw, pero ayos lang sa akin dahil nagkaroon ng bonding ang aming pamilya. Sa kabilang dako, Malubha ang natamo ng mga taga Bicol at iba't ibang lugar. May mga residente na hindi nakalikas agad at napilitang manatili sa taas ng bubong.  Sa kabila ng lahat, nanatiling matatag ang Pilipino at nagpakita ng kasiyahan na naging trending sa hatirang pang-madla at kilala bilang Filipino mindset.

    Sa konklusyon, ang bagyong ito ay nagbigay din ng malaking epekto sa atin. Hindi man kasing lakas ng mga nauna, pero dapat maging handa tayo sa lahat. Sapagkat, ang unang aasahan natin ay ating sarili. Gayunpaman, magbubunga ito ng paglago nang ating pagiging alerto dahil makakagawa tayo ng paghahanda sa mga darating na sakuna o bagyo.





No comments:

Post a Comment

Desaparesidos

PANIMULA     A. Pamagat       Ang pamagat ng aklat ay Desaparesidos, sumisimbolo ito sa nawawalang anak at mga taong nawala noong panahon ng...