Thursday, 30 January 2025

Desaparesidos










PANIMULA

    A. Pamagat

      Ang pamagat ng aklat ay Desaparesidos, sumisimbolo ito sa nawawalang anak at mga taong nawala noong panahon ng Martial Law. Naging baluktot ang buhay ng bawat isa, sa kadahilanang kaya sila mapatahimik ng kamay na bakal kailan man. Tumutukoy din ito sa pangyayari noon sa Pilipinas kung saan may mga nawawalang babae at nahihirapang mamuhay ang ibang pamilya sa gitna ng krisis.


    B. Uri ng Panitikan at Genre  

       Ito ay bahagi ng kontemporaryong panitikan, na gumagamit ng modernong istilo ng pagsulat at bigyan kulay ang kanyang gawa upang mailabas ang sikolohikal epekto ng Batas Militar sa mga karakter. Ito ay may genre na realistikong panlipunan, at gumamit siya ng masusing deskripsiyon kasabay ng piksyong historical. Upang mailathala ang mga pangyayari naganap noon ng diretso at matulis na pamamamaraang kayang punan sugat ng mambabasa.


      C. Pagkilala sa May-Akda

         Ang "Desaparesidos" ay isinulat lamang ni Lualhati Bautista. Isa siyang Filipinang manunulat, aktibistang liberal, kritiko ng politika, at nobelista. Isa sa mga nagpausbong ng makabagong panitikan gamit ang kanyang matutulis sa paggamit ng salita na pumupuna sa kanser ng lipunan. Bukod sa Desaparesidos, kilala rin ang kanyang mga nobela na Dekada 70, Bata, Bata, Pa'no Ka Ginawa?, at GAPĂ”.


PAGSUSURING PANGNILALAMAN

Tema/Paksa

       Ang pangunahing tema ng aklat ay ipakita ang mga kabuktutang ginawa ng mga sundalo o politika noong panahon ng martial law. Dahil dito, marami ang nasawi at nagkaroon ng paligoy-ligoy na tadhana ang mga karakter. Pinakita ang paghihirap na dinaranas ng mga aktibista o ibang tao noon. Tinorture, rape, pinatay ng walang kalaban laban dahil sa “absolute authority” noong panahong iyon.

 

B. Mga Tauhan, Tagpuan at Panahon


Mga Tauhan

Ka Leila - Isa sa mga aktibista nahandang ilaan ang buhay at anak para sa inang bayan o makamit ang hustisya.

Roy - Mapanuring lalaki na kayang gumawa ng magandang desisyon kahit sa oras ng pagsubok.

Mang Manuel – Mabuting matanda na tumulong sa pagtakas ni Malaya at Karla sa kamay ng mga Militar.


         Mga Tagpuan

         Plasa

        Sa plasa madalas makikita ang mga taong pinatay ng mga militar. Sinasadya nila ito upang magbigay takot sa mga kaalyansa ng iba pang aktibista. 

          Kulungan

        Gayunpaman, pinakita rin kung ano ang mga kaganapan sa selda at mas tatangkain mo pa itong tawaging kulungan ng baboy. Sapagkat, hindi nila nirerespeto ang pagkatao mo at ginagawa ang mga masasamang bagay na sa isip lamang natin nananatili.

          Kapulungan

           Panghuli, ay ang “conference” ginanap ito sa kasalukuyang panahon at kumatawan bilang “justification area” upang ipaglaban ang kaso ng mga taong nabiktima.


           Panahon

        Sa panahon ng Martial Law, noong hawak ni pangulong Ferdinand Marcos naganap ang kuwentong "Desaparesidos". Sa panahon na ito nagkaroon ng posas ang karapatan ng mga Pilipino. Kinilala rin bilang magulo at mapaniil na panahon sa kasaysayan ng bansang Pilipinas.



Estilo ng Pagkakasulat ng May-akda

       Ang estilo ng manunulat ay realismo,  direkta, diyalogo, paggamit ng simple at malalim na wika. Ginawa niya ito upang mas maramdaman natin ang emosyon ng mga karakter sa loob ng nobela. Tila ba nagpakita siya ng mabagsik na prosang humihiwa sa gunita ng mambabasa at iniwang nakabuklat ang pandama.


PAGSUSURING PANGKAISIPAN

Kakintalan/Kaisipan

       Ang "Desaparesidos”  ay sumasalamin sa mga kaisipan tulad ng madilim na sistema ng ating lipunan o  kanser ng lipunan. Pinapakita sa atin kung gaano kalaki ang epekto ng diktadurya sa ating pamumuhay. Gayunpaman, huwag tayong sumuko na ipaglaban ang ating karapatan tulad sa nobela. Hindi man tayo ang magiging main karakter, pero ang ating ambag sa lipunan ay kontribusyon sa kapayapaan ng ating inang bayan. Saka pinadama rin sa atin ang pagmamahal sa pamilya, gaano man kalayo ang ating pagitan iisa parin ang hinahanap hanap nating pagmamahal.



Kulturang Masasalamin

          Nasalamin sa nobelang ito ang ating pagmamahal sa pamilya, bayanihan, at paghangad sa katarungan. Kahit na imposibleng makuha ang mga bangkay ng mga aktibista, gumagawa pa rin sila ng paraan na makita ito at maramdaman ang hinanakit sa sinapit. Pati na rin ang paghahanap nila sa mga nawawalang pamilya. Gayundin ang pinakita nilang bayanihan upang maasam ang tama ang patalsikin ang palamara. Upang gamutin ang mahapding rabaw na iniwan ng mga Militar sa pisikal at emosyonal na kalagayan ng mga Pilipino.



LAGOM

       Patungkol ito sa naging paglalakbay ni Anna o Ka Leila. Maagang namatay ang asawa niyang si Nonong sa kuwento at kalauna’y ibinigay kay Karla ang kanyang anak na si Malaya. Ginawa niya ito upang pokusan ang pag aalsa at ipaghiganti ang kaniyang asawa. Ngunit, nagkaroon ng aksyon ang mga sundalo. Nanggagambala sila bawat baryo kahit na walang kasiguraduhan at gumagamit ng karahasan. Dumating ito sa baryo nila Karla, bago dumating ang mga sundalo nakatas siya kasama si malaya. Pero namatay ang buong pamilya ni Roy.


         Hindi mapigilan ni Jinky at Anna mag alala sa kanilang pamilya. Bumaba at temporaryong umalis sa kilusan, pagkaraa'y napansin nila na na-raid ang pagkikitaang bahay. Tumakbo sila ngunit nahuli parin sa kamay na bakal. Torture ang inabot ni Jinky at rape kay Anna. Ginawang baboy ang dalawa, katagala'y hindi kinaya ni Jinky ang pangyayari at sinumbong ang mga kasama sa aktibismo, nahuli ang lahat at nakulong. Ganun din ang sinapit ni Roy at iba pang kasama, walang sawang torture o pambubugbog. Sa kulungan ay may mabait sa Srgt., naging malapit sila ni Roy. Kalauna'y pinayagan ni Srgt. Reyes si Roy lumabas para utusan, pero ginamit niya ito upang tumakas. Pagkaraan ng panahon sumunod ng nakalaya si Anna. Hinanap ni Roy at Anna si Malaya, at dito nabuo ang kanilang relasyon. Nagkaanak at pinangalanang Lorena, pero ang selos ng bata ay namumuo habang hinahanap pa rin ng mag asawa si Malaya.


         Di nagtagal ng nakita na rin ni Anna si Malaya, pero hindi niya alam na anak niya ito. Sinabi ni Karla na anak niya ito at ikakasal na. Pero, nakonsensiya siya at ipinaliwanag ang lahat. Nagkasundo nama ang dalawa at sa dulo nakita na ni Anna at Roy ang kanilang hinahangad makasama.


MGA REAKSYON AT MUNGKAHI

     Para sa akin maganda ang kuwento na ito, nakakaintriga bawat pagbasa mo sa kada pahina. Sapagkat, natatanggal ang antok ko sa mga malalalim at matatalas na salitang binibitaw ni Lualhati Bautista. Lubos kong nagustuhan ang ganiton estilo, dahil may natututuhan ako na pwedeng i-apply sa iba pang gawain. Sa daloy naman ng kuwento, gusto ko ang present to past transition ng nobela. Kumbaga matindi at iba ang kaba ng dalawang panahon. Sapagkat, yung isa ay nilalabanan ang kaba upang makapaglathala ng pahayag patungkol sa Martial Law. Sa kabilang dako, pinapakita naman ang pasakit na dala-dala nila habang nag iisip. Lubos na lubos kong nagustuhan ito at mairerekomenda ko ito sa mga taong gusto mapuna ang kanilang kuryosidad sa mga nakaraang pangyayari sa ating bansa.



Bagyong Kristine


 








    



         Kilala bilang "Tropical Storm Trami" ang bagyong ito, na nagtala ng kasawian at sugatan noong oras na humagupit ang kalakasan nito. Nagtagal ng anim na araw, ngunit naging malaki na rin nag epekto sa ating kabuhayan. May nasirang negosyo, palayan, bahay at iba pa.

      Sa pagpasok ng bagyong ito sa ating bansa marami ang naapektuhan. Maaari rin nating ihalintulad ito sa bagyong Yolanda. Gayunpaman, hindi masyado naapektuhan ang aming lugar at nagkaroon lamang ng konting problema. Sa aking paguwi galing trabaho, natulala ako sa aking nakita. Ang mga bata sa amin ay ginawang swimming pool ang baha na umabot hanggang bewang. Naglalaro at nagpapasahan ng bola habang nakalusong sa baha at sa mabuting palad walang nasaktan. Naging malakas ang hagupit ng  hangin sa amin, nasira nito ang poste ng kuryente na nag sanhi ng "brown out". Nagtagal ito ng dalawang araw, pero ayos lang sa akin dahil nagkaroon ng bonding ang aming pamilya. Sa kabilang dako, Malubha ang natamo ng mga taga Bicol at iba't ibang lugar. May mga residente na hindi nakalikas agad at napilitang manatili sa taas ng bubong.  Sa kabila ng lahat, nanatiling matatag ang Pilipino at nagpakita ng kasiyahan na naging trending sa hatirang pang-madla at kilala bilang Filipino mindset.

    Sa konklusyon, ang bagyong ito ay nagbigay din ng malaking epekto sa atin. Hindi man kasing lakas ng mga nauna, pero dapat maging handa tayo sa lahat. Sapagkat, ang unang aasahan natin ay ating sarili. Gayunpaman, magbubunga ito ng paglago nang ating pagiging alerto dahil makakagawa tayo ng paghahanda sa mga darating na sakuna o bagyo.





Kung Hindi Uukol, Hindi Bubukol











 

   https://pin.it/1VDLed4ep


     Ang pahayag na ito ay patungkol sa paggawa ng nararapat na aksyon upang mangyari o makamit mo ang iyong hinahangad. Katulad sa kasabihang "Kung anong tinanim, siyang aanihin". Dahil ang isang bagay ay makakamit lamang kung pinagtuunan mo ito pansin at binigyan ng halaga.


       Magbibigay ito ng gabay sa ating lahat, dahil ang bawa't isa sa atin ay may kanya-kanyang potensiyal at hangarin. Gamit ang pahayag na ito, magbubukas ang loob natin sa pagbabago na tutulong sa paglago ng ating sarili. Samakatuwid, sa bawat proseso ng pagbabago, nagkakaroon tayo ng lakas ng loob na ituloy ang pagkamit natin saa ting hinahangad na landas. Itatak sa'ting kaisipan na ang pag pansin at pagbigay aksyon sa adhikain ay magdudulot ng abot langit na ngiti sa ating mukha. Gayunpaman, hindi ito magiging madali, kailangan maging "consistent" at huwag magalinlangang sumugal. Dahil mas mabuting matuto kaysa manatiling "stagnant" ang buhay mo.


    Sa konklusyon, palawakin natin ang kahulugan ng ating buhay. Matuto tayong unalis sa tinatawag nating "safe zone" upang malibot ang samu't saring kaalaman at karanasang na nakapalibot sa atin. Hindi man ito magiging pabor sa iyo, ngunit may natutunan ka namang aral na magagamit mo sa mga susunod.

 

Kaunlaran












     Ito ay isang kwento ng isang bata na nangangarap na umalis sa buhay niyang punong-puno ng pangungutya. Lumaking sakitin at payat ang taong si Iane, masayahin ngunit tila ba lapitin siya ng mga masasakit na salita. "Payatot at laki mata" ang laging tawag sa kaniya, ngunit hinaharap niya ito ng may masayang muka dahil alam niyang wala siyjing magagawa.


    Pagkaraan ng taong may quarantine, naisipan niyang may bago. Dahil sa paulit-ulit niyang pagkain at pagtulog ng panahong iyon, nadagdagan ang kaniyang timbang. Sabay pa rito ang motibasyon na nagtutulak sa kaniya, nagsimulang mag-ehersiyo at kalauna'y nagkaroon ng kagustuhan sa boxing. Epekto ito ng anime na "Hajime no Ippo", kilalang combat anime sa japan. Naisipan niya na matuto nito para sa proteksiyon sa sarili, gawa ng toksik na komunidad sa kanilang lugar. Hindi ito masasagot ng masinsinang komunikasiyon at laging nauuwi sa sakitan. Ito ang susi na matagal niya ng inaasam; pinanatili at binigyan aksyon ang oportunidad na nasa harap niya.


    Samakatuwid, ang bawa't tao ay may kaniya- kaniyang istorya. Marahil maaari itong humantong sa karahasan, ngunit isipin muna natin ang nasa kalagayan. Hindi lamang pagiging matapang ang natukoy dito, kasama na rin ang lakas ng loob na harapin ang problema at magbago.

 

Kawikaan

 











    Pagkahaba-haba man ng prusisyon, sa simbahan din ang tuloy. Isang kasabihan na bagama't hindi pamilyar sa atin. Dahil ba sa kadahilanang mas umusbong na ang wikang Ingles, at hindi na nahahapyawan ang ganitong panitikan. Gayunpaman, ang termino ko sa kasabihang ito ay patungkol sa malikot na daan patungo sa ating kaunlaraan.


   Sa ating buhay, dumadaan tayo sa dinamikong pagbabago at pagharap sa mabuti at masamang pangyayari. Ngunit, kalauna'y iyong mapapagtanto na lahat ng iyong dinaanan ay may kontribusyon sa paglago ng iyong sarili. Sa atin ang huling desisyon kung paano ito gawing oportunidad. Dahil sa ating mga karanasan, hinuhubog nito ang ating pagkatao. Nagkakaroon ng kamalayan at ang ating paraan ng pagdedesisyon ay mas lumalalim. Nagaganap ang walang sawang pasikot-sikot ng ating landas upang sa gayon ay mapuntahan o makamit mo ang iyong pinaka hangarin sa buhay. Ito ang magsisilbing "checkpoint" na dapat mong harapin at pagsumikapan upang magdagdag sa iyong kaalaman at karanasan.


      Samakatuwid, hindi biro ang pag-unlad ng isang tao. Marahil ang nakikita lang natin ay ang panlabas na anyo, at hindi ang pagsusumikap sa loob ng tao. Inilathala ko ang sanaysay na ito upang ipaalam sa aking kapwa mag-aaral na magsumikap tayo.

Monday, 27 January 2025

PAGBASA

                  https://pin.it/16YFye91X

P -agsusuri ng nilalaman
A -ng gabay sa pagbabago ng pananaw
G -inagamitan ng kritikal na pag iisip
B -alik tanaw sa nakaraan
A -ngkop sa paglago ng sarili
S -amu't saring impormasyon ang makakalap
A -ntisipasiyon sa kahulugang nakalathala

Hiraya Manawari


         Sa pagtuklas ng iba't ibang konsepto, napukaw nito ang aking kagustuhan. Tila ba ang bawat detalye ng ating mundo ay parang atom/molecule, hindi kapansin-pansin kung iispin ngunit atin itong malalaman sa oras na atin itong pinuna o pinag-aralan.

         Dahil sa edukasyon, nagkaroon ako ng kaalaman patungkol sa ating mundo. Nais kong ipagpatuloy ang pagtuklas sa aking kakayahan at gamtin ito upang mapaunlad  po ang aking sarili. Nang sa gayon ay magkaroon may iba't ibang oportunidad na tutulong sa'kin sa hinaharap. Ang tanging hiling na nais kong makamit ay pag-pahingahin ang aking magulang. Upang maibalik ko ang pagmamahal na binigay nila sa'kin.


          Ang patuloy na pagdagdag sa aking karanasan ay naglalayong madagdagan ang aking kaalaman. Bubuksan ko ang aking kaisipan sa mga misteryong naglalaman ng kaunlaran. Upang sa huli, magpapatuloy ang pag-unlad sa aking kakayahan.

Desaparesidos

PANIMULA     A. Pamagat       Ang pamagat ng aklat ay Desaparesidos, sumisimbolo ito sa nawawalang anak at mga taong nawala noong panahon ng...