https://pin.it/4eg0Q
Sa ating kinalakihang buhay, samut saring emosyon ang sumalubong sa ating pagdating. Tayong mga "anak" ang nagsilbing kasakangkapan sa kasiyahan ng ating mga magulang. Tinanggap nila tayo ng buong puso at pinadama sa'tin na tayo ay nabibilang sa mundong ito. Sa ating pag-usbong ay nakakaramdam sila ng pagod dahil inuuna nila ang ating kapakanan.
Ang kantang iyo ay tumutukoy sa proseso ng ating buhay at ang pagmamahal ng mga magulang sa kanilang anak. Tinuruan at hinubog nila ang ating pagkatao para sa hinaharap at binigyan tayo ng paalala sa gagawing desisyon natin sa buhay. Gayunpaman, hindi natin ito nagawang mahalin o pangalagaan dahil sa kawalan ng kamalayan. Hindi natin nagagawang makiramdam at isipin ang kanilang kapakanan. Gayundin pagtingin lang natin sa kasalukuyang kaganapan at hindi sa mga nakaraang proseso, na nagbubunga ng kontradiksiyon sa dalawang panig. Pagtungtong natin sa pagbibinata o pagdadalaga, ang konsepto natin ay hindi na umiikot sa kanilang mga payo. May mga salik na nakakaapekto sa'ting ugali at desisyon at kalauna'y magreresulta sa ating pagsuway upang makamit ang hinahangad na kalayaan.
Bilang pagtatapos, inihahayag ng kantang ito na hindi natin masusukat ang pagmamahal na nilaan sa'tin ng ating mga magulang. Tinuro nila ang mga bagay na makatutulong sa ating pagtanda at inalalayan ang ating paglaki. Gayunpaman, kailangan natin magkakaroon ng kamalayan sa sarili, magpasalamat at isapuso ang mga payo na inihandog nila sa'tin mula pa nung tayo ay bata.